Ex-DSWD Sec. Dinky Soliman pumanaw

SUMAKABILANG-BUHAY ang dating Social Welfare Secretary na si Corazon “Dinky” Soliman, Linggo, ayon sa kanyang pamilya. Siya ay 68 anyos.

“We pray for the eternal repose of her soul,” ayon sa mister ng dating kalihim at abogado na si Hector Soliman.

“We will share details for the wake later, and ask that the family be given some time and privacy for grieving.”

Namatay si Soliman alas 7:32 ng umaga dahil sa komplikasyon mula sa renal at heart failure.

Bago ito, tinamaan din ang dating kalihim ng COVID-1 Agosto kasabay ang kanyang mister at iba pang miyembro ng pamilya. Gayunman, nakaligtas sila sa nasabing virus.

Bago pa naging opisyal ng DSWD noong panahon ng yumaong si dating Pangulong Noynoy Aquino, nagsilbi ring DSWD head din siya noong panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Arroyo.