Digong kukuning legal consultant ni Bong Go

PUMAYAG si Pangulong Duterte na maging legal consultant ni Senador Christopher “Bong” Go sa pagtatapos ng kanyang termino sa Hunyo 30.

Sinabi ni Go na pumayag na si Duterte na maging adviser niya.

Ayon pa kay Go, posibleng ikonsidera rin ni Duterte ang iba pang alok sa kanya.

“I asked him, ‘Mr. President, may I tap you to be my consultant?’ He accepted the offer as a legal consultant,” sabi ni Go.

Aniya, isa lamang ito sa mga opsyon ni Duterte sa kanyang pagbaba sa pwesto.