OFW na nam-blackmail sa amo na BF, kulong

WALONG linggo na makukulong ang isang Pinay na domestic helper sa Singapore makaraan niyang i-blackmail ang among lalaki dahil hindi siya nito pinautang.

Agad din na ide-deport ang DH pagkatapos niyang bunuin ang sentensya sa Changi Prison.

Nitong Lunes ay inamin ng Pinay ang kasong criminal intimidation na isinampa sa kanya sa korte ng kanyang amo.

Ayon sa rekord ng korte, nagsimulang magsilbi bilang kasambahay ang Pinay sa nasabing Singaporean noong Enero.

Kinalaunan ay nagkaroon ng relasyon ang dalawa at nagpalitan pa ng mga “intimate photos.”

Noong Pebrero ay tinangkang umutang ng kasambahay sa amo.

Nang tumanggi ang amo ay nagbanta ang Pinay na ibibigay ang mga larawan nilang dalawa sa asawa ng lalaki at ibubunyag ang kanilang relasyon.

Ibinigay din umano ng Pinay ang mga pictures sa kanyang “on-line” boyfriend na isang Adrian Wong, na ginamit naman ang mga larawan para takutin ang Singaporean.