Nurse nagpadala ng duguang pasador, dumi ng aso sa ex ng mister, kinasuhan

NAHAHARAP sa patong-patong na kaso ang isang nurse makaraan nitong magpadala ng duguang pasador at dumi ng aso sa dating asawa ng kanyang mister.


Kabilang sa mga kinahaharap niyang kaso ang dalawang counts ng pagpapadala ng biohazardous material sa pamamagitan ng sulat, limang harassment, dalawang stalking at isang vandalism.


Inamin naman ni Della Marie Gibson Lathum na pinadalhan niya ang dating asawa ng kanyang mister ng pasador na nilagyan niya ng dugo ng kanyang pasyente.


Aniya, gusto lamang niyang malaman ng mga anak ng kanyang ex ang katotohanan ukol sa kanilang ina.


Inilarawan niya ang ex-wife ng kanyang mister na tamad at umaasa lamang sa ayuda ng pamahalaan.


Napag-alaman na maliban sa pasador, pinadalhan din ng nurse ng dumi ng aso na may kalakip na sulat na may masasakit na salita ang biktima.


Ginasgasan din umano niya ang sasakyan nito at pinadalhan ng bato na may nakasulat na “A” na ang ibig sabihin ay adultery.


Dahil sa pangyayari ay sinibak si Lathum sa ospital na kanyang pinagtatrabahuhan.