Exorcism isinagawa sa tindahan ng lumber


SINALAKAY ng pulisya ang tindahan ng mga construction supply sa Pennsylvania, USA, kung saan nagsasagawa ng exorcism ang isang grupo para umano sa mga “pinatay na puno.”


Rumesponde ang mga pulis sa reklamo na isang grupo ang nag-iingay sa aisle ng tindahan kung saan nakasalansan ang mga ibinebentang tabla.


Nagulat ang mga pulis nang malaman na nagsasagawa ang grupo ng exorcism para sa mga kahoy.


Nais umano ng grupo na palayain ang mga “kaluluwa” ng mga pinatay na puno na ginawang tabla at plywood.


Wala namang dinakip sa mga nagsasagawa ng exorcism at boluntaryo naman silang umalis.