Mag-inang Pinoy sa Canada todas sa saksak

PATAY ang mag-inang Pilipino makaraang pagsasaksakin sa loob ng sasakyan sa Toronto, Canada nitong Biyernes.

Ayon sa ulat, naganap ang pagpatay sa 44-anyos na si Elvie Sig-Od at 20-taong-gulang niyang anak na si Angelica sa panulukan ng Bathurst st. at Ellerslie Ave. alas-3 ng hapon.

Nasawi ang mga biktima habang ginagamot sa ospital.

Naaresto naman ang suspek na si Godfrey Sig-od, dating asawa ni Elvie. Inaalam pa ng mga imbestigador kung Pinoy rin ang suspek.

Hindi pa rin madetermina kung ano ang nagtulak sa suspek na gawin ang krimen.

Kinasuhan ang suspek ng dalawang counts ng second-degree murder.