Grade 6 pupil patay, 5 iba sugatan sa high school shooting sa Iowa

NASAWI ang isang grade 6 pupil habang limang iba ang sugatan sa insidente ng mass shooting sa isang high school sa Perry, Iowa, USA, Huwebes ng umaga.

Nangyari ang pamamaril habang pabalik sa eskwela ang mga mag-aaral mula sa Christmas break.

Apat sa mga nasugatan ay pawang mga mag-aaral habang ang isa ay ang administrador ng eskwela na Easton Valley Community School District na nakilalang si Dan Marburger.

Ang gunman na 17-anyos na estudyante sa nasabing paaralan na nakilalang si Dylan Butler ay namatay rin matapos magbaril sa sarili, ayon sa pulisya.