100-year-old weightlifter kinilala ng Guinness

KINILALA ng Guinness World Record ang 100-year-old na si Edith Murway-Traina bilang pinakamatandang weightlifter sa mundo.

Ang pagkilala ay ginanap kasabay ng pagdiriwang ng ika-100 kaarawan ni Traina.

Ayon sa Guinness nagbubuhat mula 40 hanggang 150 pounds si Traina.

Sinimulan niya ang pagsali sa weightlifting competition noong 91-anyos dahil sa pang-enganyo ng kaniyang kaibigan para maging aktibo.

Pinapanood niya ang mga kababaihan na nagbubuhat ng mga weights hanggang sinubukan niya rin ito.

Huling siyang sumabak sa kompetisyon noong 2019 at ito ay natigil dahil sa COVID-19 pandemic.