UniTeam di sasabayan b-day rally ni Leni sa Pasay

ITINANGGI ng UniTeam na may nakahanda silang campaign rally sa Mall of Asia grounds bilang pantapat sa birthday rally ni vice presidential candidate Vice President Leni Robredo sa Macapagal Ave., Pasay City.

Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita at chief of staff ni dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., wala silang nakatakdang rally sa MOA sa Sabado.

Ipagdiriwang ni Robredo ang kanyang ika-57 kaarawan sa Sabado at isasabay ito sa Tropang Angat people’s rally sa Pasay.

Itinaon naman ng grupo ang event sa pagsasara ng kalsada dahil sa gagawing road repair work sa Macapagal Ave. mula April 24-26.

Base sa paanyaya ng kampo ni Robredo, pwedeng magsuot ng mga kulay na sumisimbolo ng kanilang mga pangarap ang mga dadalo: White – kalusugan, Blue-trabaho, Yellow – edukasyon, Red – pagkain, Pink – pag-angat sa buhay, at iba pa.