Proclamation rally ni Marcos Jr, Sara gagawin sa PH Arena

NAKATAKDANG ganapin sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan sa Pebrero 8, 2022 ang proclamation rally ng tandem nina Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte.

Pag-aari ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang Philippine Arena.

Sinabi ng tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez na kailangang kumuha ng tiket ang mga magkokober na media sa pagtitipon.

Nakatakdang isailalim sa Alert Level 2 ang Bulacan hanggang Pebrero 15.

Sa ilalim ng Alert Level, pinapayagan ang 50 porsiyentog kapasidad ng mga gusali.