Pacquiao: Kandidatong ayaw sa debate di dapat pagkatiwalaan

HINDI dapat kabiliban ang mga kandidatong tumatangging makaharap ang mga kalaban sa debate.

Ayon sa presidential candidate na si Senador Manny Pacquiao, ang mga ayaw humarap sa debate ay mga hindi dapat pagkatiwalaan at walang kakayahan.

Dagdag pa ni Pacquiao maihahalintulad anya ang mga ito sa mga magnanakaw na ayaw sumailalim sa polygraph test ngunit iginigiit na sila ay inosente.

“Kapag ganyan na umiiwas sa mga face-to-face debate, dapat alam na ng taumbayan na hindi sila dapat pagkatiwalaan. Walang pinagkaiba ‘yan sa mga magnanakaw na ayaw magpa-polygraph test pero todo tanggi sa kanilang ginawang krimen,” ayon kay Pacquiao sa isang kalatas.

Hindi rin anya siya naniniwala sa katwiran ng isang presidentiable na ang mga debate ay para pag-away-awayin lang ang mga kandidato.