YO! Mga Mosang, syempre by this time na-detect na ng radar n’yo ang pina-famous ni Marites alyas Imee Marcos na bidyong “Pagod Lenlen” sa kanyang Facebook.
Tumi-trending siya ngayon at gigil sa kanya ang health frontliners, driver, security guards, media men, vendors, pulubi, at iba pa na round-the-clock ang trabaho.
Bida-bida sa video si Marites na kausap sina Marisol at Marietta tungkol kay “Lenlen” na nagpa-tumbling-tumbling daw ng 18 oras, nahagardo at saka hinimatay.
Binash ni Marites sa video ang mga nagsasabi na 18 oras sila kumakayod at tinawag niyang stupid at liars.
Rise-up in arms ang peg ng mga manggagawa.
Kayo na mag-google sa mga tumestigong gutom sila pag di sila trumabaho ng 18 oras kada araw.
Kelan at paano ba nagsimula ang mabilis na paghihirap ng mga madlang pipol?
Pasadahan natin mga ka-chismak.
Nung naging presidente si Ferdinand Marcos nung 1965, $600M lang ang kabuuang utang ng Pilipinas, ayon sa Ibon Databank.
Nung pinatalsik siya ng people power noong February 25, 1986, lumobo ang utang natin ng 4,300 percent o P26 billion.
Hakot ng Marcoses sa Hawaii ang plinunder na $10B pera ng madlang pipol.
Base yan sa estima ng Supreme Court.
Ninakaw nila ito sa panloloko at pagsasamantala sa mga tao, sa mga dambuhalang proyekto, pangungumpiska sa mga korporasyon at pag-aalaga sa Marcos cronies.
So, sino ang tunay na dugyot, patay-gutom, hampaslupa at mababaho?
Pinatindi ang pandarambong na ito nang idineklara ang martial law noong September 21, 1972.
Para walang kontra-bulate, pinatahimik ni Marcos ang media, number one na ang ABS-CBN na gjnaya naman ng uma-idol sa kanyang si Duterte.
Dahil kaliwa’t kanan ang pagnanakaw ng Marcoses sa kaban ng bayan, ayon sa Ibon Databank, lumala ang kahirapan ng mga utaw mula 1981-1985:
Pumalo ang unemployment sa 11% kasama na ang 12.6% noong 1985; ang inflation o pagtaas ng bilihin ay pumailanglang sa mahigit 20%. Noong 1984, tumindi ito sa higit 47%.
Pagdating ng 1985, may 27 million kababayan, o 49% ng populasyon ang gutom.
Sa mga nagtangkang mag-ingay at magrebolusyon, pinabangis nya ang pulisya at militar at kinontrol ang mga korte. Nauso pa nga ang hamletting noon.
Sa taya ng Amnesty International, 70,000 ang ikinulong, 34,000 ang tinortyur at 3,240 ang pinagpapatay o extrajudicial killings na sa panahon na yun ay tinawag na salvaging.
Alam na this, San Miguel Arkanghel.
Sino ngayon ang masarap at marangyang nagpapasasa sa mga kinulimbat ng tatay nina Imelda, Imee, Bongbong at Irene at mga sumunod nilang henerasyon?
Sino ngayon ang mga demonyong nabuhay dahil libo-libo ang mga pinagto-torture at pinagpapatay?
Sino ngayon ang higit pa sa tunay na liars at stupids (plural, lol)?
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]