Pacquiao bet si Ping for president

KUNG sakaling hindi umano siya tumatakbo sa pagkapangulo sigurado si Senador Manny Pacquiao na ang kapwa senador na si Panfilo Lacson ang kanyang susuportahan at iboboto sa May 9 elections.

Ito ang sinabi ni Pacquiao sa panayam sa kanya sa Radyo 5 Huwebes ng umaga sa segment na “Serve the People: Sino ang Karapat-Dapat sa Boto ng Pilipino?” presidential interview.

“Isa pong siguro malapit sa puso ko ay, sa akin lang, si Ping Lacson—kung sa akin lang ha. ‘Yon po ‘yung pananaw ko,” pahayag ni Pacquiao.

Maging si Manila Mayor Isko Moreno na kandidato rin sa pagkapangulo ay nauna nang nagsabi na siya mismo ay iboboto si Lacson kung hindi siya tumatakbo.