Mocha Uson nanggigil kay Sharon: Mag-shopping ka sa Tondo!

GIGIL NA GIGIL ang vlogger at dating OWWA deputy executive director na si Mocha Uson kay actress-singer Sharon Cuneta at sa mga tagasuporta ng tandem nina Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan sa ginanap na miting de avance ni presidential aspirant Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso nitong Sabado.

Sa kanyang speech, halos magwala sa entablado si Uson dahil sa pagiging entitled aniya ni Cuneta at ng iba pang Leni-Kiko supporters.

“Pasensya niya, bakit hindi kayo naka-costume?Hindi katulad doon sa mga kabilang rally–pabonggahan ng costume, pagandahan ng suot, pabigatan ng mga artista, pagandahan ng make-up, payamanan sa shopping center sa Rockwell.

‘Yan ba ang Pilipinas? Hindi po ba nakakabuwisit? Nakikita natin sa social media, pati si Sharon Cuneta! Sabi niya, ‘Ay makapag-shopping nga sa Rockwell’. Bakit naman ganyan ang usapan? Bakit hindi ka mamalengke sa Tondo? Pumunta ka sa Tondo! Pumunta ka sa Tondo!

“Ate Shawee, mag-shopping ka dito… dahil nandito ang totoong tao, nandito ang totoong Pilipino. Wala sa Makati! Wala sa Rockwell!”