Isko sa Leni, Bongbong supporters tension sa mall: Sabi ko na sa inyo

HINDI mapigilan ni presidential candidate Manila Mayor na mapa-react sa tensiyon na namagitan sa mga supporters ni Vice President Leni Robredo at dating Senador Bongbong Marcos sa loob ng isang mall sa Makati City.

Suot ang kani-kanilang mga colored shirts na pink para kay Robredo at red at green naman kay Marcos, nagkasigawan ang mga kanya-kanyang supporters sa Power Plant Mall kamakailan lang at naging trending sa social media.

Dahil dito ay napa-react na lang si Moreno sa matagal na niyang sinasabing awayan ng pula at dilawan/pinklawan.

“Tulad nga ng nasabi ko, hindi titigil ang awayan at higantihan ng pula at dilaw/pink. Hindi po tayo papanatag at uunlad,” pahayag ni Moreno sa isang post sa Facebook.