Campaign funds paubos na? May pumapatak pa – Isko

ITINANGGI ni presidential candidate at Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na paubos na ang pondo niya sa kampanya, pero umaasa siyang madadagdagan ito.

“Malalim man ang balon, natutuyo din ’yun,” ani Isko. “I hope God will provide good health and hopefully resources.”

Pero itinanggi ng alkalde na malapit nang maubos ang pondo. “May pumapatak pa,” giit niya.

Hindi naman ibinunyag ng mayor kung magkano ang nakolekta at nagastos niya sa pangangampanya.

Gayunman, pinunto niya na hindi gaano kalaki ang ginugugol nila dahil “modest” lang naman umano ang kanilang kampanya.

“Hindi namin kailangan ng malalaking artista. Artistahin na si John (Catriciones), si Samira (Gutoc) artistahin din,” ani Isko.

“Kidding aside, I’m really happy. We’re enjoying it, but don’t get us wrong, ang hirap but we are not complaining,” sundot niya.