Pansinin kaya? Dennis muling nagparamdam kay Julia

KAHIT walang natatanggap na reaksyon sa anak, muling ipinaalala ni Dennis Padilla kung gaano niya kamahal ang aktres na si Julia Barretto.

Sa Instagram, ipinost ni Dennis ang larawan nilang mag-ama noong baby pa lang si Julia.

“This picture of julia… Have been to a lot of wallets… Missing our baby duduy,” ani Dennis sa caption.

Shinare din niya ang collage ng mga photos nilang dalawa.

Aniya: “Late bday poster…Julia Francesca Barretto Valdivia 25.”

Kamakailan ay iniulat ng PUBLIKO na dinedma umano ni Julia ang mga birthday greetings ni Dennis Padilla.

Sa Instagram ay nag-post si Dennis ng dalawang greetings sa anak pero ni isa sa mga ito ay hindi nireplayan ni Julia.

Unang ipinost ni Dennis ang photo nilang mag-ama na may caption na, “Julia… happy bday anak i love you… God bless you more!”

Sa ikalawang post ay makikita ang picture ng aktres bilang flower girl.

“Julia…. Time really flies… happy birthday… Love you anak God bless you more,” ani Dennis.