Bulacan Gov Fernando inendorso si Robredo

INENDORSO ni Bulacan Gov. Daniel Fernando ang kandidatura ni Vice President Leni Robredo sa pagsasabing siya ang pinaka-kwalipikado sa pagkapangulo.

Ito’y taliwas naman sa naunang press statement ng kampo ni presidential candidate Bongbong Marcos na kung saan sinabi umano ni Fernando na wala pa siyang napipiling kandidato.

Nagpasalamat naman si Robredo sa suportang ibinigay ni Fernando.

Ayon kay Robredo mahirap para sa mga nakaupong opisyal na magbigay ng suporta ng hayagan.

“Kung ang isang gubernador tulad ni Gov. Daniel ay naglakas-loob, ang laking bagay for our campaign,” sabi ni Robredo.