Travel ban sa 8 bansa mananatili hanggang Dis. 31

MANANATILI ang travel ban sa walong bansa hanggang Disyembre 31, 2021.

Sa Inter-Agency Task Force (IATF) Resolution number 154-B, kabilang sa iniligay sa Red List o travel ban ang Andorra, France, Monaco, Northern Mariana Islands, Réunion, San Marino, South Africa at Switzerland.

Tinanggal naman sa Red list ang Italy na nauna nang kinuwestiyon ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr.

Samantala. dahil sa pagdami ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na sumasailalim sa quarantine, pinaiksi ng IATF ang facility-based quarantine sa tatlong araw mula sa kasalukuyang limang araw kung magiging negatibo sa RT-PCR.