Taga-NCR walang cash ayuda sa granular lockdown

KLINARO ni Metro Manila Council chairman at Paranaque Mayor Edwin Olivarez na walang ibibigay na pinansiyal na tulong ang pamahalaan sa mga lugar sa National Capital Region na isasailalim sa granular lockdown.


“Doon sa arrangement na ginawa sa meeting namin sa Metro Manila Council–nakasama po natin ang DSWD Secretary diyan– ang 14 days ng ating granular lockdown diyan, ang seven days, ang magbibigay ng food pack ay ang LGU. Ang remaining na seven days ay tutulong at magbibigay ay ang ating DSWD,” ani Olivarez.


Idinagdag niya na tanging food pack lamang ang ipamamahagi sa mga maisasailalim sa granular lockdown.


“Wala pong financial assistance kung hindi food pack ang gagamitin po nila sa kanila pong maintenance, sa kanilang pitong araw at ang 14 days sa kabuuan,” ayon pa sa opisyal. –WC