Senator Villanueva positibo sa COVID-19

NAGPOSITIBO sa coronavirus disease (Covid-19) si Senator Joel Villanueva.

“Nagpositive po tayo sa COVID sa resulta ng RT-PCR test nitong Huwebes ng gabi, pagkatapos kong makaramdam ng lagnat at pananakit ng ulo noong Miyerkules. Inabisuhan ko na po ang lahat ng aking nakasalamuha noong mga nagdaang araw tungkol sa aking kalagayan, at kasalukuyan po tayong naka-isolate,” sabi ni Villanueva.

Ayon kay Villlanueva nadale siya ng virus kahit fully vaccinated at nakapag-booster na laban sa COVID-19.

“Kaisa po tayo sa lahat ng mga manggagawa na araw-araw nakikipagsapalaran sa pandemya para maghanap-buhay. Kayo po ang inspirasyon ko para patuloy kong masuportahan ang inyong kapakanan bilang empleyado sa Senado,” aniya.