QC may pinakamaraming bagong Covid-19 cases

NAKAPAGTALA ang Quezon City ng pinakamaraming bagong kaso ng Covid-19 sa bansa, ayon sa OCTA Research.
Sa Twitter, inanunsyo ni OCTA fellow Dr. Guido David na base sa kanilang pag-aaral ay sumipa sa 389 ang arawang bagong kaso mula Agosto 3-9 kumpara sa 312 noong Hulyo 27-Agosto 2.


Idinagdag ni David na nasa 12.22 ang average daily attack rate at intensive care unit (ICU) utilization rate of 78 porsyento sa siyudad.


Sinusundan ang QC ng Cebu City na umakyat sa 280 ang mga bagong kaso sa kaparehas na period mula sa 238.


Ang iba pang siyudad na nagsitaasan din ang mga bagong kaso ay ang Manila, Makati, Davao City,