De Vera nanatiling CHEd chair

NANATILING chair ng Commission on Higher Education si Prospero de Vera matapos siyang hirangin ni Pangulong Bongbong Marcos.

Magwawakas sana nitong Hulyo 21, 2022 ang termino ni De Vera base sa appointment sa kanya ni dating Pangulong Duterte.

Una siyang na-appoint bilang chair ng CHEd ni Duterte noong 2018.

Bago ito ay naglungkod siya bilang CHED commissioner noong 2016, pagkatapos ay itinalagang officer-in-charge noong Enero 2018 kasunod ng pagbibitiw ni CHED chairperson Patricia Licuanan.

Samantala, si Benny Antiporda ay itinalaga bilang acting administrator ng National Irrigation Administration (NIA).

Siya ay environment undersecretary at kalaunan ay hinirang na senior deputy administrator ng NIA ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.