Magpapabakuna sa National Vaccination Day, pakainin

INATASAN ni Pangulong Duterte ang mga governor at mayor na pakainin ang kanilang mga kababayang magpapabakuna sa gagawing tatlong-araw na National Vaccination Day na nakatakda sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1, 2021.

“Iyon namang pupunta sa Jollibee para magpabakuna at saka sa McDonald’s, matapos parang gutumin, walang pera, tapos maamoy niya ‘yang karne diyan, I suggest — I am authorizing all governors and mayors, gumastos na lang kayo ng pera, papalitan ko lang ‘yan balang araw,” sabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People.

Nangako pa si Duterte na irereimburse ang magagastos ng mga lokal na pamahalaan sa gagawing pagpapakain.

“Pakainin na lang ninyo sila. Really, you just give me the bill and I will try to pay it if I have the money. Tutal ano lang naman ‘yan eh,” ayon pa kay Duterte.