Duterte: Hindi bakunado ‘wag pakainin sa resto

KARAPATAN ng mga restaurant na wag pakainin sa loob ng kanilang establisimyento ang mga kostumer na hindi bakunado.

Ito ang sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People nitong Martes kasabay ang paniniyak na suportado niya ang hakbang ng mga restaurant na tanging mga bakunado lamang ang papayagan na makakain sa loob ng kanilang establisimyento.

“And I understand, and I support itong mga restaurants and all na delikado sa contamination sa public. You have my support. Huwag mo silang pakainin. Sabihin mo na lang sila na ano — kung ayaw ninyong magpabakuna at hindi kayo tinanggap sa ibang restaurant, doon na lang kayo sa tabing dagat,” sabi ni Duterte.

Inihayag ito ni Duterte sa harap ng mga ulat na marami pa ring mga Pinoy ang ayaw magpabakuna.