EUA ng Moderna para sa 6-11-years old aprubado na

INIHAYAG ng Department of Health (DOH) na inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization (EUA) ng Moderna para sa batang edad 6 hanggang 11.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na inamyendayan ng FDA ang EUA ng Moderna o Spikevax para mapasama ang age group noong May 20.

Sinabi naman ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na hihintayin na lamang ang ilalabas na panuntunan ng Health Technology Assessment Council bago simulan ang pagbabakuna sa edad 6 hanggang 11.