Digong kampanteng magiging masaya ang Pasko ng Pinoy

UMAASA pa rin si Pangulong Duterte na magiging masaya ang Pasko ng mga Pinoy ngayon na patuloy ang pagbaba ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

“Christmas na. I hope that everything will be for the good of everybody and I am very happy that bumababa na talaga, duma-dive na ‘yung ano (Covid-19 cases),” sabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People nitong Lunes ng gabi.

Idinagdag ni Duterte na maituturong itong milagro sa harap naman ng nararanasang pagtaas ng mga kaso sa ibang bansa.

“That’s a miracle because other countries are still reeling from the effect parang nagkaroon sila ng problema sa Omicron. So tayo, we are not hoping for the best but we pray to God that it will not come to our shores. But if ever nagdating na, we can cope up with it just as we did with COVID-19,” dagdag ni Duterte.