COVID-19 cases sa bansa umabot na sa 1,057 kada araw

SINABI ng Department of Health (DoH) na umakyat na sa 1,057 ang daily average ng coronavirus disease (Covid-19) sa bansa sa nakalipas na pitong araw.

Idinagdag ng DoH na nakapagtala ng 7,398 kaso mula Hunyo 27 hanggang Hulyo 3.

“Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 1,057, mas mataas ng 60 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Hunyo 20 hanggang 26,” sabi ng DoH.

Sa mga bagong kasong naitala, 19 ang malubha at kritikal, habang 74 ang naiulat na pumanaw.

Ayon pa sa DoH, nakapagtala ng 497 na malubha ay kritikal na pasyente noong Hunyo 3, 2022.

“Sa 2,487 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 381 (15.3%) ang okupado. Samantala, 19.9% ng 21,791 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit,” dagdag pa ng DoH.