Bagong kaso ng COVID nasa 14,000-mark pa rin

SA tatlong magkakasunod na araw, hindi bababa sa 14,000 ang naitalang bagong kaso ng coronavirus disease sa bansa.

Ayon sa tala ng Department of Health, nasa 14,610 ang bagong kaso ng COVID-19 ngayong Lunes, 16 Agosto, dahilan para umakyat sa 1,755,846 ang kabuuang kaso ng impeksyon sa Pilipinas.

Umabot naman sa 27 ang naitalang kaso ng nasawi ngayong araw dahil sa virus. Ang bilang naman ng nakarekober ay nasa 10,674 pasyente, at may kabuuang 1,618,808.

Naitala sa bansa ang pinakamataas na daily count noong Abril 2 na merong 15,310, bagamat kasama na rito ang 3,790 backlog.