16 NPA patay sa enkwentro sa Eastern Samar

MAY 16 umanong miyembro ng New People’s Army ang nasawi matapos makaenkwentro ang mga militar sa bayan ng Dolores, Eastern Samar, Lunes ng umaga.

Nangyari ang bakbakan alas-4 ng madaling araw sa barangay Osmeña, na ikinasawi ng 16 kalalakihan at pagkakumpiska ng 29 matataas na kalibre ng baril.

Walang naiulat na nasugatan sa hanay ng mga sundalo, ayon sa ulat.