274 kaso ng Omicron XBB, XBC naitala

KINUMPIRMA ng Department of Health (DoH) na 81 kaso ng Omicron subvariant XBB ang naitala sa dalawang rehiyon at 193 kaso ng XBC naman ang nairekord sa 11 rehiyon sa bansa.

Sinabi ng DoH na 70 sa mga tinamaan ng XBB ang gumaling na samantalang walo ang nananatiling nasa isolation at ang tatlo ay bineberipika pa.

Samantala, 176 na pasyenteng tinamaan ng XBC ang nakarekober na, tatlo ang nananatili sa isolation, lima ang namatay at siyam ang patuloy na bineberipika pa.

Sinasabing mas mabilis kumalat ang dalawang bagong subvariant at hindi tinatablan ng mga bakuna.