1.3M plus doses ng Pfizer dumating

DUMATING kagabi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang 1,138,430 doses ng Pfizer na bahagi nang binili ng pamahalaan.

Sinalubong ang mga bakuna nina National Task Force against COVID-19 medical consultant Dr. Ma. Paz Corrales, UNICEF Immunization specialist Carla Orozco at UNICEF Programme Assistant Romel Ambrocio.

Sa kabuuan, umabot na sa 224,823,360 doses ng iba’t ibang bakuna ang tinanggap ng pamahalaan sa ginagawa nitong kampanya laban sa Covid-19.