6 Pinoy dumating mula Ukraine

DUMATING Biyernes ng gabi ang anim na Pinoy mula sa Ukraine sa harap ng banta ng pananakop ng Russia.

Lumapag ang eroplanong sinasakyan ng mga Filipino na Turkish Airlines flight 84 sa Ninoy Aquino International Airport NAIA) Terminal 3.

Nauna nang tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang repatriation ng mga Pinoy na nasa Ukraine.