Ultra Lotto jackpot papalo ng P345M

HANDA ka na bang manalo ng P345 milyon?

Ganito ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa maging draw nito sa Martes ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ito ay matapos hindi masungkit ang winning combination na 06-49-58-35-36-31 sa bola nitong nakaraang Linggo, na may premyong P333.9 milyon.

Gayunman, nagwagi ng tig-P120,000 ang may pitong mananaya na nakakuha ng limang tamang numero. Umabot naman sa 993 bettor ang nanalo ng tigP2,000 matapos makakuha ng apat na tamang numero.

Tuwing Linggo, Martes at Biyernes ang bola ng Ultra Lotto.