Telcos inulan ng reklamo sa unang araw ng SIM registration

INULAN ng reklamo ang mga telecommunications companies (telcos) sa unang araw ng Subscriber Identity Module (SIM) registration ngayong Disyembre 27, 2022.

Sa Facebook page ng Smart Communications, Inc. nagpost ang mga customers ng nakuhang mensahe matapos na mabigong makapagparehistro.

“Oops! SMART APP failed to respond,” sabi ng mensahe mula sa SMART na ibinahagi ng isang netizen.

Sa post naman ng Smart, sinabi nito na dapat asahan na ng mga subscriber ang kahirapan sa pagpaparehistro dahil sa sabay-sabay na pagbubukas ng mga subscriber.

“Due to the high volume registrants, some subscribers may experience difficulty accessing the SIM registration site. Please try again later. Thank you,” sabi ng Smart.

Ito rin ang reklamo ng mga subscriber ng Globe.