Tara sa Palasyo’: Malacanang bukas sa publiko hanggang Dis. 24

MAAARI nang makapasok sa loob ng Palasyo ang publiko para masaksihan ang Christmas Tree at mga parol mula Disyembre 18 hanggang 24, 2022 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Nauna nang inihayag ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagdaraos ng Simbang Gabi sa harap ng Mabini Hall hanggang Disyembre 24, 2022 na magsisimula alas-4:30 ng umaga.

Ayon sa Palasyo, sa ilalim ng temang ‘Tara sa Palasyo,’ maaaring masulyapan ng publiko ang Christmas tree at iba pang dekorasyon mula alas-7 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga.

Kinakailangan lamang pumasok ang lahat nang nais bumisita sa Gate 6.