Pangasinan inuga ng magnitude 5 na lindol

INUGA ng magnitude 5 na lindol ang Pangasinan alas-9:55 Linggo ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sinabi ng Phivolcs na naitala ang lindol, na may lalim na 13 kilometro, 73 kilometro katimugan ng Infanta, Pangasinan.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa Bani, Pangasinan. 

Idinagdag ng Phivolcs na wala namang inaasahang pinsala bagamat inaasahan ang mga aftershock.