Produktong petrolyo taas-presyo bukas

MAY nakatakdang pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo bukas, ayon sa mga oil companies.


Ito na ang ikapitong sunod na linggo na magkakaroon ng pagsipa sa presyo ng gasolina, diesel at kerosene.


Ayon sa Shell, Cleanfuel, Petro Gazz, magkakaroon ng P1.15 na dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina at 60 sentimos sa kada litro ng diesel.


Tataasan din ng Shell nang 65 sentimos ang presyo ng kada litro ng kanilang kerosene.


Magiging epektibo ang mga bagong pagtaas ng presyo ng Shell at Petro Gazz alas-6 ng umaga habang alas-4:01 ng hapon sa Cleanfuel.


Ang dagdag-presyo, ayon sa mga kumpanya ng langis, ay bunsod ng mahinang piso kontra US dollar. –A. Mae Rodriguez