Quiboloy gustong maging ‘president for life’ si Du30

NAIS ni Pastor Apollo Quiboloy na maging presidente ng Pilipinas habambuhay si Pangulong Duterte.


Ayon kay Quibuloy, “masisira ang mga magagandang proyektong nasimulan ni Digong” kung may iba na hahalili sa kanya bilang pangulo.


“Nakita na namin na merong pangulo na makakagawa ng mga sentimento ng Pilipino. Gusto namin magpatuloy ‘yan,” giit ni Quiboloy.


Hinimok ng pastor ang mga mambabatas na na baguhin ng mga ito ang Konstitusyon para maging “president for life” si Duterte.


“Kung maaari gawin ninyong president for life ang ating pangulo para continuity, para wala nang makasira sa ikabubuti ng bansa at tuloy-tuloy na tayo. Kung hindi man maaari, gawan ninyo ng paraan na ma-extend yan,” dagdag niya.


Matatapos ang termino ni Duterte sa 2022 pero sinabi niyang bukas siya sa pagtakbo bilang bise presidente. –A. Mae Rodriguez