Presyo ng diesel magtataas ng P2.90 kada litro

TATAAS ang presyo ng produktong petrolyo simula sa Martes, Disyembre 20.

Aabot sa P2.90 kada litro ang itataas ng presyo ng diesel, samantalang aabot naman sa 70 sentimo ang dagdag sa presyo ng gasolina.

Nasa P1.65 kada litro naman ang idaragdag sa presyo ng kerosene.

Noong nakaraang linggo, nagpatupad ng rolbak ang mga kumpanya ng langis kung saan umabot P1.70 kada litro ang ibinaba sa presyo ng gasolina; P3.40 kada litro para sa diesel; at P4.40 kada litro para sa kerosene.