Makati LGU ipinasara ang Smart

IPINASARA ng lokal na pamahalaan ng Makati City ang Smart Communications Inc dahil umano sa kawalan ng business permit simula pa noong 2019.

Bukod dito, umabot na umano sa P3.2 bilyon ang buwis na hindi nababayaran ng kumpanya.

Idinagdag ng Makati LGU na nabigong kumuha ang Smart ng kautusan sa korte kaugnay ng P3.2 bilyong franchise tax nito mula Enero 2012 hanggang Disyembre 2015.

Matatagpuan ang opisina ng Smart sa 6799 Ayala Ave., Brgy. San Lorenzo.