Luzon niyanig ng 7.3 magnitude na lindol

NIYANIG ng magnitude 7.3 na lindol ang Lagangilang, Abra alas- 8:43 ng umaga ngayong Miyerkules, Hulyo 27, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sinabi ng Phivolcs na may lalim ang lindol na 25 kilometro at namataan dalawang kilometro silangan ng Lagangilang, Abra.

Maraming bahagi sa Metro Manila ang nakaramdam ng pagyanig.

Sa ulat pa ng Phivolcs, partikular na naramdaman ang Intenstiy IV sa Quezon City.