‘John Lloyd Cruz’ dakip sa droga

SHOOT sa kulungan ang kapangalan ng aktor na si John Lloyd Cruz na nahulihan ng droga habang pakalat-kalat Martes ng umaga sa San Andres Bukid, Manila.

Ayon sa pulisya, nakunan ng dalawang gramo ng hinihinalang shabu si Cruz, 29, residente ng Radium st.

Naispatan ng mga rumorondang tanod si Cruz na kahina-hinala ang kilos sa Onyx st. alas-5 ng umaga kaya sinita nila ito.

Nakuha sa suspek ang tatlong sachet ng hininalang shabu na may street value na P13,000.