Dolomite beach bukas lang sa bakunado; online appointment kailangan

MULING binuksan ang Manila Baywalk Dolomite beach. Gayunman hindi na maaaring makapamasyal dito nang basta-basta na lamang.

Kailangan na kumuha muna ng online appointment ang nais na magpunta rito at kailangan ay fully vaccinated din.

Kailangan i-download ang QR code at pagkatapos ma-scan doon lalabas ang booking page na siyang magsisilbi na rin na contract tracing.

Kailangan may matanggap munang email confirmation para sa schedule ng pagpunta sa beach.

At kapag nasa pasyalan na, hanggang isang oras lamang sa beach papayagan ang mga bisita.

Nasa 300 bisita lang ang papayagan kada schedule para maiwasan ang dagsa ng tao at maging superspreader ng virus.

Hindi rin papayagan ang mga batang may edad 11 pababa.