Vice Ganda: Top celebrity taxpayer din ako

IGINIIT ni TV host-comedian Vice Ganda na kabilang din siya sa listahan ng mga artista/celebrities na nagbabayad ng malaking buwis.

Wala ang pangalan ni Vice sa listahan ng top celebrity taxpayers ng 2022 na kinilala ng Bureau of Internal Revenue kamakailan.

Kasama sa list sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Coco Martin, Judy Ann Santos, Liza Soberano, Vic Sotto, Willie Revillame, Michael V., Sarah Geronimo, Anne Curtis at Maja Salvador.

Hirit ni Vice sa mga nagtatanong kung bakit hindi siya nabanggit: “Yung nasa news po ay mga top tax payers ng RDO (Regional District Office) 39. I am one of the Top Tax Payers of RDO 38.”

“I was invited sa ceremony nung Feb 27 pero di po ako naka attend,” dagdag niya.