Tatay Ramil, takoyaki shop owner matagal nang magkakilala

NAGLABAS ng ebidensya ang social media personality na si Xian Gaza na “forda content at clout” lang talaga ang pagpapa-tattoo sa noo ng isang dating OFW para sa April Fools’ Day prank ng Taragis Takoyaki shop.


Ipinost ni Xian sa kanyang Facebook page ang larawan na magkasama sina Tatay Ramil at Carl Quion, ang owner ng takoyaki store.


Sa nasabing photo, makikita na tila ini-interview ni Quion ang ex-OFW.


“Magkakilala pala an’dami niyong pinadalang tulong hahaha,” caption ni Xian na ang tinutukoy ay ang mga ayuda na ibinigay ng publiko kay Tatay Ramil nang malaman ang nagtulak umano rito na magpa-tattoo sa noo.


Kamakailan ay pinuntahan ni Quion si Tatay Ramil para ibigay ang P100,000 cash na premyo sa pekeng challenge.


Bago ito, naobserbahan din ni Xian na luma na ang tattoo sa noo ng dating OFW.


“Hindi fresh ‘yung tattoo sa noo, it means matagal na o henna lang. Hindi rin marunong umarte si Kuya. Halatang scripted. Publicity stunt lamang,” sabi ni Xian.