Allen Dizon hinipuan din ni Apo Whang-od

NARANASAN ng multi-awarded actor na si Allen Dizon ang “magic touch” ni Apo Whang-od, ang pinakamatandang mambabatok, nang sadyain niya ito sa Buscalan, Kalinga noong Semana Santa.


Matapos magpa-tattoo ay nagpakuha ng litrato si Allen kay Apo Whang-od.


Napatawa na lang ang aktor nang gumapang sa kanyang harapan ang kamay ng matanda.


“Nakakatawa kasi hihipuan ka talaga ni Apo Whang-od lalo na kung artista ka at pogi ka. It means pasado ka raw sa kanya,” aniya.


Ito ang unang beses na nagpa-tattoo ni Allen.


Matatandaan na naging malaking isyu ang panghihipo ng tattoo artist kay Piolo Pascual nang bisitahin siya ng aktor ilang linggo na ang nakararaan.


Sinubukan pang kanselahin ng ilang netizens ang matanda dahil sexual harassment daw ang ginawa nito kay Papa P.