SUV dumiretso sa loob ng fastfood resto

HUMARUROT at inararo ng isang SUV ang loob ng Jollibee branch sa Moalboal, Cebu nitong Huwebes ng umaga.


Hindi sinabi ng pulisya kung ilang kostumer ang nasugatan sa pangyayari bagaman nakunan ng video ng mga netizens ang isang lalaking duguan na nilalapatan ng lunas sa loob ng establisimento.


Minamaneho ng isang Anatolio Cardente Jr. ng nakadisgrasyang sasakyan.


Kuwento ng driver, ipa-park niya ang sasakyan sa harap ng fastfood restaurant pero dumire-diresto ito sa loob. Nabasag ang salamin at nawasak ang mga upuan at mesa.


Iniimbestigahan pa kung human error o mechanical failure ang dahilan ng aksidente.