Sara Duterte ‘biggest loser’ sa latest survey ng OCTA Research

DOUBLE digit ang ibinaba ng satisfaction rating ni Vice President Sara Duterte sa huling survey na isinagawa ng OCTA Research.

Bagamat mataas pa rin ang 70 percent na nakuha ni Duterte ngayong Okubre, 12 puntos naman ang ibinaba nito sa survey kumpara sa 82 percent na naitala noong Hulyo.

Si Duterte pa rin ang may pinakamataas na rating kumpara kay Pangulong Bongbong Marcos at iba pang top government officials.

Samantala, bumaba naman ng 6 percentage points si Marcos mula sa 71 percent noong Hulyo ay naging 65 ito ngayong buwan.