Sam Milby, Catriona Gray engaged na

WEDDING bells na nga ang kasunod sa relasyon ng aktor na si Sam Milby at 2018 Miss Universe Catriona Gray.

Ito ay matapos mag-post sa social media ang beauty queen ng kanilang larawan habang suot ang isang engagement ring at ang hawak nilang coffee cups ay may nakalagay na “Mr. Milby” at “Future Mrs. Milby”.

“Living in an answered prayer with my best friend. I love you, fiancè (eeeeee),” post naman ni Cat sa kanyang social media accounts.
Umapaw naman ang mga pagbati para newly engaged couple.